Tuesday, January 19, 2021

Mga problema sa panahon ngayon

Ang aking ipag tutukoy ngayon ay ang "Poverty and Homelessness". Isa ito sa mga malaking problema noon at ngayon. Kahit na lumipas tayo ng maraming panahon ay hindi bumabawas ang mga tao na maiuri nito. At dahil sa problema na ito maraming mga kabataan ngayon ang hindi na bigyan ng pagkakataon para mag aral sa isang aralan. Meron ding iba na wala na namang makakain o wala nang matirahan dahil dito. At maraming mga kabataan ang naapektohan nito pero wala silang magawa.

Sa mundo ngayon ay pera nalang ang lahat ng sagot sa iyong problema. Kung ganon, Ang mga tao na wala namang pera ay walang pang sagot sa kanilang problema. Kundi dumadagdag pa ito ng problema sa kanila dahil sa kakulangan ng pera pang bili ng kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. Dahil nga dito maraming mga kabataan ay hindi nabibigyan ng pagkakataon kagaya sa akin na nakapagaral sa isang instituto. kundi nagtratrabaho nalang sila ng maaga para lang merong makakain kasi marami rin sa kanila ay dahil sa "poverty" ay wala na silang makakain araw-araw.

Dahil dito masasabi ko na ang isa sa mga problema na kailangan nating ma lutas ay ang "Poverty and Homelessness" kasi maraming mga tao ang naaapektohan dito. 1.9 billion na tao ang naaapektohan dito o 26% sa populasyon ang naapektohan dito. Ang nakalulungkot na bahagi ay ito ay isang problema na hindi malulutas dahil iba-iba ang ating kalagayan sa buhay at may iba na hindi nila kayang mabuhay ng nagtratrabaho ng matigas at dahil dyan hindi sila uunlad sa buhay. At napapasa ito sa mga susunod na henerasyon. Matapos lang ito kapag meron nang isa sa kanila na magtatrabaho ng walang paki sa kanilang pagkapagod. Ito lamang ang solusyon sa problema na ito. 



Nagiging mahirap ang mahirap at yumayaman ang mayaman.

1 comment:

Musical Play