Saturday, January 4, 2020

PAKIRAMDAM NG PASKO

Sa araw ng pasko ay ipinag diwang natin ang pagka tao ng ating panginoon. At para sa mga pinoy ay ang araw na iyon ay araw sa pagbibigay ng mga bagay sa mga taong nangangailangan o kung sino ang kanilang gustong bigyan. Kaya na isip nang aming mga guro na ang gawin nami ay magbigay kami ng mga regalo sa mga janitors. Kaya yan ang ginawa namin at nag ipon kami ng pera para makapag bili kami ng mga ibibigay sa mga janitors. Nag shopping kami sa supermarket.



Bumili kami ng mga pangunahing pangangailang para ibigay namin sa janitor na naaasign sa amin. nag bili kami ng mga pagkain,pang laba at iba pa. kaya pag christmas party namin ay dyan na namin binagay kay kuya ang aming binili para sa kanya.Para naman ma pakiramdaman niya ang pasko. At alam namin na kailangan nya yon. Nalilito kami kung nasan si kuya kasi hindi namin kilala yung totoong ngalan nya ang sinabi lang ng aming guro na sa gabi siya nagtratrabaho. Kaya nag tanong pa kami sa ibang janitor kung sino siya at pagkatapos nyan ay hinanap namin siya at nabigay na namin ang aming pinag bili para sa kanya.



Pagkatapos naming binigay ay ang pakiramdam namin na naka tulong kami ng isang kapwa tao at nagawa namin na mag bigay galing sa aming ipon. At napasaya namin si kuya.

No comments:

Post a Comment

Musical Play