ANG KALIGAYAHAN NG PAMILYA
"Ang pamilya ay isang bagay o isang relasyon na dapat nating ipag laban hanggang sa huli. Kasi balang araw ay mawawala din sila sa buhay mo" Ang pamilya ay nagbibigay ng lahat sa atin. Sila ang meron sa tabi natin kung meron tayong problema. Sila ang dahilan kung bakit buhay tayo ngayon at dahilan na kailangan pa nating ma buhay. Pero sa huli ay mawawala rin silang lahat. At dahil dyan ay kailangan natin silang aalagahan habang buhay pa sila.
Lahat ng bagay sa mundong ito ay merong kataposan. At dahil dyan kailangan alamin nating kung paano susulitin ang oras natin sa lahat ng bagay na maibigay sa mundong ito. para wala tayong pagsisisi sa huli. At alam natin na tayong lahat ay gustong makasama ang ating pamilya. Kasi alam natin na sa dumadating na araw ay mawala din sila.
Ang tanong ngayon ay paano ba tayo maka pag enjoy na kasama sila. Merong mga iba't ibang paraan. At yun ay ang pag punta nang simbahan. Pag punta nang mall. At marami pang ibang paraan para maka sulit tayo sa oras kasama ang ating pamilya. Isa na doon ang Family day na nananarasan sa paaralan.
Importante ang family day sakin dahil gusto ko rin na makasama ang aking pamilya. At alam ko rin na balang araw ay mawala na sila. Alam kong masakit yon pero alam kong mas masakit na mawala sila na hindi kayo nakaka gawa ng mga memories na kasama sila. kaya dahil dyan ay mahalaga ang family day. Kasi isa ito sa mga paraan para maka sama natin ang ating pamilya. Kailangan nating sulitin ang bawat oras bawat minuto bawat sigundo na kasama natin ang ating pamilya. Para kung dumating na ang araw na mawala na sila ay wala na tayong mga pagsisisi. Kasi alam nating lahat na ang pagsisisi ay nasa huli.
At ngayong marami pang mga bagay na gusto kong gawin kasama ang aking pamilya at sana magawa kong lahat ng iyon kasama sila. Sana rin na magkakaroon ng mabuting buhay at makakasama nyo ang pamilya nyo at magawa nyo ang lahat na kasama sila.
No comments:
Post a Comment